PANOORIN: Pinay soprano Rachelle Gerodias, Korean opera star inawit ang 'Gaano Ko Ikaw Kamahal'

Mario Dumaual, ABS-CBN News

Posted at Dec 13 2019 10:21 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Nagpasampol ng Pinoy Christmas carols sina Korean opera star Byeong In Park at ang kaniyang asawa, ang iconic Pinay soprano na si Rachelle Gerodias, na kakantahin nila sa isang benefit show.

Pinamagatang "Ngayon na, Kabataan," ang benefit performance nila ay gaganapin sa Manila Hotel, Tent City ngayong Linggo.

Kabilang sa ipinasilip na awitin ng mag-asawa ang ilang classic hits tulad ng "Ang Pasko ang Sumapit."

Ibinida din nila ang kanilang sikat na bersyon ng "Gaano Ko Ikaw Kamahal."

Ayon kay Gerodias, nakakatulong sa pag-awit ang pag-iisang dibdib nila ng kaniyang asawa. "Being married to each other helps!" pahayag ni Gerodias.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.