Bakit kinabahan si Catriona habang kinokoronahan ang bagong Miss Universe?

Mario Dumaual, ABS-CBN News

Posted at Dec 11 2019 03:21 PM | Updated as of Dec 11 2019 07:51 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Makalipas ang nasa isang taong pamamalagi sa New York, balik Pilipinas na si Catriona Gray matapos ang kaniyang matagumpay na reign bilang Miss Universe 2018. 

Madaling araw nitong Miyerkoles ay sinalubong ng fans at media si Gray sa airport kung saan nagpaunlak ito ng panayam.

Noong Lunes lang ay nasa Amerika pa si Gray nang koronahan niya ang bagong Miss Universe na si Zozibini Tunzi ng South Africa.

Kuwento ni Gray, ninerbiyos siya habang isinusuot ang tinaguriang "Power of Unity" crown kay Tunzi. Nagkakahalaga kasi ito ng $5 milyon o katumbas ng P250 milyon. 

"I was like please make sure the crown feels secure kasi alam niyo $5 million 'yun... So I was nervous! I don't want to be the first one to drop it, di ba?" ani Gray. 

Ibinahagi din ng ex-Miss Universe ang binulong niya sa kaniyang successor habang coronation. 

"I said, 'Please, please be careful [with the crown]' and also 'Good luck, you're so deserving,'" aniya. 

MGA BAGONG PROYEKTO 

Ngayong balik Pilipinas na si Gray, hahawakan ng Cornerstone Entertainment ang kaniyang mga proyekto.

Nais ni Gray ituon ang kaniyang atensiyon sa musika at charity works.

"I've always been dreaming of pursuing music but it's been pushed off or aside... I would really like to do benefit [concerts] for charities I've been working with," aniya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.