Kailan masasabing depresyon na ang nararamdamang holiday blues?

ABS-CBN News

Posted at Dec 10 2019 05:21 PM | Updated as of Dec 11 2019 07:25 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa loob ng ilang dekadang pagtira noon ni Norma Bel-Ford sa United Kingdom, nakararamdam daw siya ng lungkot tuwing sasapit ang Pasko dahil malayo siya sa kaniyang pamilya.

Ayon kay Frances Cuevas, head ng National Mental Health Program ng Department of Health, normal ang makaramdam ng "holiday blues" o iyong lungkot o stress sa kapaskuhan.

Pero kapag matagal na panahon nang nararamdaman ang "holiday blues," maaari raw may clinical depression na ang isang tao, ayon kay Cuevas.

Ilan din umano sa mga sintomas na maaaring depressed ang tao ay kung nakararamdam ito ng labis na kalungkutan, mababang self-esteem o kumpiyansa sa sarili, at social withdrawal o pag-iwas sa isang tao.

Maaari raw kasing mataas ang pressure sa mga tao na mapasaya ang kanilang mga kaanak kaya nakakaramdam ng depresyon.

Malaking isyu rin tuwing Pasko ang pera lalo na kung hindi naman kayang tustusan ang masyadong mahal na regalo, ani Cuevas.

-- Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.