Supporters ni Gazini Ganados sa Cebu, nagsama-sama sa viewing party

ABS-CBN News

Posted at Dec 09 2019 08:21 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Handang-handa na ang mga supporter sa Talisay City kung saan lumaki ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2019 na si Gazini Ganados.

Sa People's Hall ng Talisay ay may viewing party kasama ang ilang empleyado ng City Hall at iba pang taga-Talisay.

Bukas sa publiko ang viewing party kung saan dalawang venue ang kanilang inihanda sa People's Hall.

Sa lobby maaaring manood ang sinumang nais manood.

Narito ang kabuuang report ni Annie Perez, ABS-CBN Cebu.

Umagang Kay Ganda, Disyembre 9, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.