SILIPIN: Marvel superheroes tema ng bahay sa Binangonan para sa Pasko

ABS-CBN News

Posted at Dec 09 2019 03:22 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Agaw-pansin sa bayan ng Binangonan, Rizal ang isang Christmas house na may temang hango sa Marvel superheroes.

Binansagang "Santa-vengers House" ang nasabing bahay, na pag-aari ng pamilya Gonzales. Tampok doon ang malalaking pigura ng Marvel superheroes na sinuotan ng balbas ni Santa Claus.

Sa gate pa lang ay sasalubungin agad ang mga bisita ng isang 8 talampakang estatwa ni Hulk.

Sa loob makikita rin ang ang iba pang miyembro ng Avengers gaya nina Captain America, Thor, at Iron Man, at X-Men gaya ni Wolverine.

Mayroon ding 15 talampakang Christmas tree sa tabi ng superhero na si War Machine.

Aabot sa P500,000 ang halaga ng koleksiyon ng mga life-sized superhero.

Ayon sa padre de pamilya na si Sherwin Gonzales, pangarap lang niya noon ang bahay.

"Sa mga nangangarap din na katulad ko, walang deadline ng pangarap. As long as gusto mo, it's not too late for you to get your dreams," aniya.

"Kung talagang gusto nilang umasenso sa buhay, paghirapan nila at dasal lang sila sa taas," dagdag niya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.