Pagkakaroon ng diabetes, nagdudulot ba ng sakit sa puso?

ABS-CBN News

Posted at Dec 08 2018 09:05 PM | Updated as of Jul 28 2019 03:29 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

May ugnayan nga ba ang karamdamang diabetes sa mga sakit sa puso?

Ayon sa dalawang doktor, maaaring pag-ugatan ang diabetes ng mga samu't saring karamdaman sa puso tulad ng heart attack o heart failure.

"Ang diabetes kasi in itself, para ka na ring inatake sa puso, pareho 'yung tumataas ang risk mo pag diabetes ka na talaga. But diabetes in itself, pinapalala ang sakit," anang endocrinologist na si Mia Fojas sa Good Vibes ng DZMM nitong Biyernes.

Ani Ariel Miranda, na isang cardiologist, dalawa sa tatlong pasyente ng diabetes ang nagkakaroon ng heart disease.

"Ang leading cause of death in the Philippines ay heart diseases. Behind it, what drives it, is the risk factor that is diabetes," ani Miranda.

Maaari ring magdulot ang diabetes ng stroke at amputation.

"Nag-uumpisa siya sa sugar pero ang end result niya, magkakaroon ka ng pagbara sa iba't ibang parte ng ugat mo. So if it's to the brain you end up with a stroke, if it's in the heart you end up in a heart attack, if it's in the legs, napuputulan ng paa (ang pasyente)," ani Miranda.

Payo ng mga doktor na agad magpatingin kung nakakaramdam ng mga sintomas ng diabetes tulad ng pagbagsak ng timbang at madalas na pagkagutom o uhaw.

Nakakatulong din umano ang pagkain nang masustansiya at pageehersisyo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.