Bahay ng ina ni Jose Rizal sa Laguna, pinasinayaan ni Robredo

Andrew Bernardo, ABS-CBN News

Posted at Dec 06 2019 10:27 PM | Updated as of Dec 06 2019 11:15 PM

Pinasinayaan ni Bise Presidente Leni Robredo ang makasaysayang Alberto Mansion sa Biñan City sa Laguna nitong Biyernes

Ang Alberto Mansion ay ancestral home ng pamilya ni Teodora Alonso, ina ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.

Watch more in iWant or TFC.tv

Pinuri ni Robredo ang pagpupursige ng Biñan na makuha at ma-restore ang heritage site ng lungsod.

"Walang mag-aangat sa kapwa Pilipino kundi kapwa niya ring Pilipino.
Tulad ng mansyong ito, sama-sama nating itayo at iangat ang ating bayan," ani Robredo.

Isa-isang pinarangalan ng lokal na pamahalaan ng Biñan ang mga taong nag-ambag sa pag-aayos ng heritage site.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.