RECIPE: Corned beef fried rice with scrambled egg

ABS-CBN News

Posted at Dec 06 2018 11:58 AM

Sawa ka na ba sa karaniwang itlog at corned beef tuwing almusal? 

Maaari mong iluto ang corned beef fried rice with scrambled egg, na bukod sa masarap ay magaan pa sa bulsa. 

Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" nitong Huwebes ang guest kusinero na si John Valley para ibahagi kung paano magluto ng corned beef fried rice with scrambled egg. 

Narito ang mga sangkap: 

• 4 butil bawang (dinikdik) 
• 1 pirasong sibuyas
• 1 kutsara ng margarine 
• 1 lata corned beef
• 4 tasa ng kanin
• ¼ kutsarang toyo
• 1 kutsarang oyster sauce 
• 1 lata sliced mushrooms
• 5 kutsarang ketchup
• ¼ kutsaritang iodized salt
• 1/8 kutsaritang paminta
• 4 itlog

Paraan ng pagluluto: 

Igisa ang bawang at sibuyas sa margarine, idagdag ang corned beef at patuloy na igisa.

Ilagay ang kanin, toyo, oyster sauce at mushrooms. Idagdag ang ketchup at haluin.

Timplahan ng asin at paminta, hanguin at itabi.

Sa hiwalay na kawali, iluto ang scrambled eggs at ilagay sa ibabaw ng fried rice.

I-garnish ang scrambled eggs ng barbecue sauce.

Maaari nang ihain ang corned beef fried rice with scrambled egg.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.