Miss Teen Philippines, muling aarangkada sa 2019

ABS-CBN News

Posted at Dec 06 2018 11:03 PM

MAYNILA — Beauty with a purpose ngayon ang isinusulong ng TV personality na si Regine Angeles para sa kabataang Pinay.

 

Isa ngayon si Angeles sa mga punong-abala para sa muling pagbabalik ng Miss Teen Philippines na huling ginanap noong 2014.

"I am part of the organizer, we are the producer, and our foundation is called 'Youth Empowerment Through Education,' and we are given three year contract to produce this for our aspiring Filipina beauty," bungad niya sa media launch ng Miss Teen Philippines 2019.

Ayon pa kay Angeles na isa sa mga producer ng pageant, nakikita niya na magandang oportunidad ang Miss Teens Philippines para matupad ang pangarap ng isang ordinaryong Filipina.

"We want to promote good education, kasi alam mo naman ang ibang teens, medyo naliligaw din sila ng landas, so kami gusto namin na maging daan para sa kanilang mga pangarap," aniya.

Dagdag pa ni Angeles: "I've always been a fan of Philippine pageantry, so when this was offered to me I said yes agad. And parang gusto rin namin na maging stepping stone para sa next national pagent na gusto nilang salihan."

Sa unang bahagi ng 2019, sisimulan na ang paghahanap ng 30 kandidata para maging susunod na Miss Teen Philippines.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.