Summa cum laude ng Caraga State University, top 7 sa board exam for teachers

Charmane Awitan, ABS-CBN News

Posted at Dec 02 2019 01:24 AM

BUTUAN CITY - Malaki ang pasasalamat ni Abzonie Reño sa bagong tagumpay na kaniyang nakamit matapos mapabilang sa Top 10 sa kalalabas lang na resulta ng Licensure Examination for Teachers. 

Si Reño ang ikapito sa mga nakakuha ng pinakamataas na marka para sa secondary level. 

Nagtapos si Reño ng kursong Bachelor of Science in Secondary Education Major in Mathematics at siya ang pinakaunang summa cum laude ng Caraga State University sa Ampayon, Butuan City.

Dating nagtrabaho bilang janitor, baker at security guard si Reño. Hindi naging hadlang sa kaniya ang kahirapan at edad upang makatapos ng pag-aaral.

Kasama din ni Reño ang lima pang mga topnotchers mula Caraga State University na sina Stephen James Eslana (Top 8), Aibie Jil Cornites at Aicen Cranzo (Top 10) sa secondary level.

Sa elementary level naman, Top 8 si Jazz Pearl Joy Aga at Top 10 si Ariel John Socorro.