RECIPE: Sinigang na tahong

ABS-CBN News

Posted at Nov 15 2018 12:11 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Baboy o bangus ang karaniwang laman sa sinigang na patok na patok sa panlasang Pinoy. 

Pero alam niyo bang maaari ring gumamit ng tahong sa inyong sinigang? 

Bumisita sa Umagang Kay Ganda ang guest kusinero na si Tatung Sarthou para ibahagi kung paano lutuin ang sinigang na tahong. 

Narito ang mga sangkap:

• 1 kutsarang mantika
• 1 pirasong sibuyas, (nakahiwa nang manipis) 
• 2 pirasong bawang (tadtarin nang pino)
• 1 pirasong luya (nakahiwa nang manipis) 
• 4 kutsaritang miso
• 1 pirasong kamatis
• 1 kutsaritang patis
• 4 tasang tubig
• 1 ½ kilong tahong
• 1 taling kangkong
• 1 pirasong labanos 
• 6 pirasong kalamansi
• Asin
• Paminta

Paraan ng pagluluto:

Igisa ang bawang, sibuyas at luya.

Idagdag ang kamatis at lutuin hanggang lumambot.

Igisa ang tahong at miso, lutuin nang hindi lalampas sa 1 minuto. 

Idagdag ang patis, tubig at labanos. Pakuluan nang 2-3 minuto.

Timplahan ng asin at paminta. Ilagay ang kangkong at ilagay ang katas ng kalamansi.

Ihain na ang sinigang na tahong.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.