Paano mapoprotektahan ng bata ang sarili laban sa bullying?

ABS-CBN News

Posted at Nov 12 2018 05:16 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Para sa isang psychologist, hindi kailangang umabot sa pisikalan ang pagdepensa ng bata sa kanyang sarili laban sa bullying. 

Sa “Magandang Buhay,” ipinaliwanag ni Dr. Camille Garcia na kailangang turuan ng mga magulang ang kanilang mga anak kung paano ang “tamang paglaban” sa mga bully.

Aniya, susi rito ang pag-alam ng mga bata ng kahinaan ng mga taong nang-aapi sa kanila.

“Ang pagprotekta ay ‘yung makakaangat ka sa kanila at maiintindihan mo na meron silang mga weaknesses. At ‘pag na-bull’s eye mo ‘yung mga weakness nila, alam mo, sila (bully) pa ‘yung unang iiyak,” ayon kay Garcia. 

“Ang pagtanggol sa sarili, hindi [kailangang] physical.”

Dagdag ni Garcia, importante rin daw na maturuan ng mga magulang ang kanilang mga anak na malaman kung ano ang tama sa mali upang mas marunong silang manindigan sa mga nang-aaway sa kanila.

“Kung naiintindihan nila kung ano ‘yung tama at mali, mas malalaman nila kung paano i-control ang sarili,” aniya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.