Ahtisa Manalo tinanghal na 1st runner-up sa Miss International 2018

ABS-CBN News

Posted at Nov 09 2018 07:06 PM

Tinanghal si Ahtisa Manalo bilang first runner-up sa Miss International 2018 na ginanap sa Tokyo, Japan nitong Biyernes.

Nakakompetensiya ni Manalo ang 77 iba pang kandidata mula sa iba't ibang bansa. 

Narito ang bahagi ng talumpati ni Manalo, kung saan sinabi niya kung bakit siya ang dapat piliin bilang Miss International:

“If I become Miss International, I would continue being the voice of the youth in showing that nothing is impossible with hard work and determination. And with these beautiful ladies with me tonight, a family of beauty queens [who are] all beautiful young dreamers and achievers, we will show the world that it is love, peace, and beauty that we truly care about. And together, we shall make a difference.”

Si Mariem Claret Velazco Garcia ng Venezuela ang kinoronahang Miss International 2018.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.