Sawa ka na ba sa masabaw at ordinaryong corned beef?
Maaari mong subukang magluto ng crispy corned beef, na malasa, magaan sa bulsa, at akma para sa kahit anong oras.
Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" nitong Miyerkoles ang guest kusinero na si Norbert Navarro para ibahagi kung paano magluto ng crispy corned beef.
Narito ang mga sangkap:
• 1 lata ng corned beef
• ½ kilo ng patatas
• 100 grams keso
• 1 pirasong sibuyas
• 1 pirasong kamatis
• 3 pirasong bawang
• 100 grams harina
• 3 pirasong itlog
• 100 grams bread crumbs
• 1 tasa ng tubig
Paraan ng pagluluto
Iprito ang patatas at itabi.
Igisa ang sibuyas, bawang at kamatis.
Ilagay ang corned beef. Lagyan ng tubig at pakuluin.
Ihalo ang piniritong patatas.
Timplahan gamit ang asin at paminta.
Palamigin sa refrigerator sa loob nang isang oras.
Maghulma nang pabilog. Pagulungin sa breading mixture (harina, bread crumbs, itlog) saka prituhin.
Maaari nang ihain ang crispy corned beef.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, Umagang Kay Ganda, recipe, healthy recipes, affordable meals, corned beef, breakfast, beef, almusal