TINGNAN: Mga mabentang parol mula sa isang barangay sa Cebu City

Annie Perez, ABS-CBN News

Posted at Nov 05 2019 05:13 PM

Patok sa mga bumibili ng Chrismtas decortation sa Cebu City ang mga parol na likha ng mga taga-Barangay Guadalupe. Annie Perez, ABS-CBN News

Dahil papalapit ang Pasko, marami na naman ang bumibili ng mga dekorasyong angkop sa holiday season.

Sa Cebu City, dagsa na ang mga bumibili ng mga parol na likha ng mga residente ng Barangay Guadalupe.

Gawa sa kawayan, charol, pako, at chicken wire ang mga parol, na may presyong naglalaro mula P30 hanggang P150.

Annie Perez, ABS-CBN News

Nasa 100 parol ang nabebenta kada araw ng mga residente ng Barangay Guadalupe, gaya ni Efren Caballes.

"Ang parol ay simbolo ng Pasko," sabi ni Caballes sa Cebuano.

Bukod sa mga dumadayo sa barangay para bumili, ibinebenta ng mga retailer ang mga parol ng ibang residente.

Nais ng mga taga-Barangay Guadalupe na magpatuloy pa rin ang malakas na negosyo. Tatanggap umano sila ng mga order hanggang Disyembre.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.