Plastic bottles, ginawang gown sa Silay City

Mark Salanga, ABS-CBN News

Posted at Oct 28 2019 11:04 PM

Gumamit ng plastic bottles ang artist na si Ian Valladarez para gawing disenyo ng isang gown.

Gamit ang mga recycled na plastic bottles, gumawa ng bridal gown ang ilang artist sa Silay City para sa isang contest.

Isa ang artist na si Ian Valladarez sa sumali sa patimpalak. Para makagawa ng bridal gown, gumamit siya ng mga plastik na bote ng soft drinks at disinfectant ng dialysis machines.

Matapos linisin ang mga plastic bottles ay ginupit niya ito at ginawang pangdisenyo sa isang gown.

Si Valladarez ang presidente ng grupong Entrepreneurial Eco Artists of Negros Island.

Ang ibang mga artist, gumamit ng styrofoam, sako ng bigas at tarpaulin para ipangdisenyo sa mga gown.

Ayon sa Sangguniang Kabataan President ng Silay City na si Maria Delma Mariposque, ikinagagalak nilang maging parte ng pagbabago. Ibinahagi rin niya ang kanilang mga pinagdaan bago nila nagawa ang proyekto, kabilang na ang pamamasura. 

Suportado rin ng iba pang opisyal ng lungsod ang kanilang proyekto.

Bukod sa pagtulong sa kapaligiran, nakatanggap rin ng premyo ang mga artist.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.