ALAMIN: Mga Pinay na lalaban sa global pageants ngayong Oktubre

ABS-CBN News

Posted at Oct 11 2019 08:07 PM

Magkakasunod ang mga laban ng Philippine bets sa iba’t ibang global pageants ngayong buwan. 

Tumulak nang pa-Montenegro si Bb. Pilipinas Leren Bautista para sa Miss Globe coronation sa Oktubre 21. 

Susubukan namang makuha ni Samantha Lo ang Miss Grand International crown sa Venezuela sa Oktubre 25. 

Nagpasiklab si Janelle Tee sa talent portion ng Miss Earth bilang dancing Mindanoan princess. 

Namayagpag naman si Miss Ghana na humataw bilang guitarist-singer para makuha ang talent competition. 

Kinanta rin niya ang viral niyang introduction. 

Runner-up naman sa Miss Asia Pacific International 2019 ang half-Pinay na si Jessica Cianchino. Si Miss Spain Chaiyenne Huismann ang nanalo sa naturang pageant. 

Umabot naman si Mutya ng Pilipinas Klyza Castro sa 25 semi-finalists ng kompetisyon. 

Kabilang si Richard Yap sa Board of Judges sa pageant na itatampok ngayong Linggo sa ABS-CBN Sunday’s Best. 

--Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.