Paggawa ng bag hanapbuhay ng mga bilanggo sa Cebu jail

Joworski Alipon, ABS-CBN News

Posted at Oct 09 2019 06:14 PM

CEBU CITY — Hindi lang pampalipas ng oras kundi hanapbuhay na rin ng mga bilanggo ng Cebu City Jail ang paggawa ng mga produktong puwedeng maibenta.

Ang bago nilang pinagkakaabalahan ang paggawa ng mga bag mula sa packaging strap at sticker-backing paper.

Maaaring magpagawa ang mga kostumer ng mga bayong, shoulder bag, handbag at iba pa.

Nasa P470 hanggang higit P1,000 ang presyo ng bag, depende sa laki, disenyo at mga ilalagay na palamuti.

Hand-painted ang mga larawan at letrang inilalagay sa mga bag.

Paraan din umano ito para makatulong ang mga bilanggo sa kanilang mga pamilya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.