Mccoy De Leon, may-ari na ng lugawan

ABS-CBN News

Posted at Oct 09 2019 08:36 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Star Magic (@starmagicphils) on

MAYNILA -- Isang pangarap ngayon ang tinupad ng miyembro ng Hashtags na si Mccoy De Leon para sa kanyang pamilya.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ng Kapamilya star ang kanyang ipinatayong lugawan sa Sampaloc, Maynila.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mccoy De Leon (@hashtag_mccoydl) on

Ayon pa sa Kapamilya star, inspirasyon niya ang kanyang pamilya sa kanyang inumpisahang negosyo.

"Hindi ko akalain sa buong buhay ko magkakaron ako ng negosyo pero dahil sa inspirasyon ko sa pamilya ko at sa mga kaibigan ko nabuo ang isang pangarap na to. Sana masamahan niyo po ako sa panibagong matutunan ko sa larangan ng buhay at gabayan niyo po sana ako Panginoon," bahagi ng post ni Mccoy.

Sa ngayon, abala si Mccoy sa isang horror movie ng Regal Entertainment na "The Heiress" kasama sina Janella Salvador at Maricel Soriano.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.