‘Kailangan ng pampa-Ghana!’ Bagong kuwelang linya ng kandidata ng Miss Earth

ABS-CBN News

Posted at Oct 08 2019 04:15 PM | Updated as of Oct 08 2019 07:07 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

May bagong kuwelang linya ang pambato ng bansang Ghana sa Miss Earth 2019 kasunod ng kaniyang viral introduction noong nakaraang linggo.

Sa panayam ng ABS-CBN News, ipinagmalaki ng kandidatang si Abena Appiah ang bago niyang Tagalog line.

Watch more in iWant or TFC.tv

“Kung ikaw ay nalulungkot at tinatamad, kailangan mo ng pampa-Ghana!” ani Appiah, na nag-guest sa “It’s Showtime” ngayong Martes kasama ang iba pang Miss Earth candidates.

Pinaulit din kay Appiah sa “It’s Showtime” ang viral niyang linyang “Ang batang malakas kumain ay laging may Ghana!”

Maraming netizen ang natuwa sa linya ni Appiah na una niyang sinabi sa isang report ng TV Patrol noong Oktubre 2.

Ayon pa kay Appiah, maging ang kaibigan niyang Pinoy beauty queen na si MJ Lastimosa, na ka-batch niya sa Miss Universe 2014, ay natutuwa sa kaniyang pagiging viral dito sa bansa.

Higit 3 buwan nang nagsasanay si Appiah, kasama ang iba pang kandidata ng Miss Earth, sa beauty queen maker na si Rodgil Flores.

Ikinuwento rin ni Appiah na kinahiligan na rin niya ang Pinoy food.
Isa si Appiah sa 85 kandidata na nagkikipagtagisan para sa titulong Miss Earth 2019.

Idaraos ang coronation sa Oktubre 26.

-- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.