Regine Velasquez, ipinakita ang kanyang walk-in closet

ABS-CBN News

Posted at Oct 02 2019 12:59 PM

MANILA -- May YouTube channel na si Regine Velasquez.

Sa kanyang unang vlog na inilabas nitong Miyerkoles ng umaga, ipinakita ni Regine sa unang pagkakataon ang walk-in closet nila ng asawang si Ogie Alcasid.

Maliban sa kanyang mga koleksiyon ng damit at sapatos, makikita rin sa walk-in closet ni Regine ang corset na isinuot niya sa kanyang "R2K" concert.

Sa isang parte ng video, naibahagi rin ni Regine ang pinagdaanang diskriminasyon bago mabili ang isang pares ng sapatos mula sa Louis Vuitton sa New York City.
 
"Hindi pa kami ng asawa ko nito, siguro mga 2001 o 2002 o baka '90s pa 'yon basta... when I got there (sa store) nakita ko na nandoon sa display. Sa umpisa pa lang sinabi agad sa akin wala akong size, hindi ako [pinagbilhan]. Sabi ko, 'Can I please try them on?' Sabi ng guy 'no.' Na-discriminate agad ang lola niya at na-depress ako ng very, very light. I went to Neiman Marcus, si Neiman Marcus maraming branded shoes. Nagwala ako roon, ang ending ko, ang inuwi ko ay 20 pairs of shoes," kuwento ni Regine.

"Again, I was being discriminated, no one was making me pansin, 'yung lahat sila nagsusukat, ako walang pumapansin sa akin. Until this guy came to me and said 'do you need help?' At parang naiiyak na ako 'yes, I need help.' So lahat nang tinuro ko, binili ko talaga. ... Pagkatapos kong bilhin 'yung 20 pairs pumunta ulit ako ng Louis Vuitton at nung marami na akong bitbit, pinapasok ako sa Louis Vuitton at nabili ko siya," ani Regine.

Narito ang walk-in closet tour ni Regine para sa kanyang mga subscriber na tinatawag niyang "vlangers."

Watch more in iWant or TFC.tv