Miss Earth candidates naglinis ng basura sa Manila Bay

ABS-CBN News

Posted at Sep 30 2019 06:18 PM | Updated as of Sep 30 2019 07:08 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Sumabak ngayong Lunes ang mga kandidata ng Miss Earth 2019 sa paglilinis ng Manila Bay.

Katuwang ang puwersa ng Philippine Navy, nilinis ng mga naggagandahang kalahok ng international pageant ang coastal area sa Las Piñas at Parañaque.

Naki-boodle fight din ang mga kandidata kasama ang Philippine Air Force sa Villamor Air Base sa Pasay.

Hinati ang 85 kandidata sa 3 grupo sa pag-iikot ng buong bansa, na mag-uumpisa ngayong linggo.

Kabilang sa mga pupuntahan ng mga kandidata ang Batangas, Bikol, Palawan, Misamis Oriental, at Davao.

Ihahatid ng ABS-CBN ang iba pang highlights ng Miss Earth at coronation night na idaraos sa Oktubre 26. -- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.