RECIPE: Ginisang tinapa

ABS-CBN News

Posted at Sep 27 2018 02:21 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Naghahanap ka ba ng bagong paraan para iluto ang tinapa?

Bumisita sa “Umagang Kay Ganda” nitong Huwebes ang guest kusinero na si Ronald Remolin para ibahagi kung paano magluto ng ginisang tinapa. 

Maglagay lamang ng iba’t ibang gulay, tulad ng kangkong at mga pampalasa tulad ng bawang at sibuyas. 

Ihanda lamang ang mga sumusunod na sangkap:

•    Tinapa (himay na) 
•    Bawang
•    Sibuyas
•    Kamatis
•    Asin
•    Paminta

Paraan ng pagluluto:

Igisa ang bawang at sibuyas. 

Isunod ang kamatis at hintaying lumambot.

Ilagay ang tinapa, iluto ng 3 minuto.

Timplahan ng asin at paminta.

Maaari nang ihanda ang ginisang tinapa. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.