ALAMIN: Paano kausapin ang batang mababa ang grado sa school?

ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2019 06:31 PM | Updated as of Sep 26 2019 06:41 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Hindi maiiwasang madismaya ang ilang magulang kapag nakakita ng mababang grado sa report card ng bata.

Pero may tamang paraan para kausapin ang bata tungkol dito, ayon sa isang eksperto.

Dapat hindi daanin sa bugso ng damdamin ng magulang ang pakikipag-usap sa anak, ayon sa family life and child specialist na si Myla Lee-Tolentino sa programang "Sakto" ng DZMM.
 
Aniya, dapat mamili ng tamang panahon para pag-usapan ang mababang grado sa report card kasama ang anak.

"Para hindi kaagad na mabigay ang reaction o negative reaction, sabihin muna sa anak na, 'Ah sige pag-usapan natin ito mamaya. I noticed na may mababa kang grade sa Math,'" ani Tolentino.

Mabibigla raw kasi ang anak kapag agad na magbibigay ng negatibong komento ang magulang sa mababang grado.

Maaari rin itong dalhin ng bata pagtanda, lalo na kung paulit-ulit na pinamumukha sa anak ang kaniyang pagkakamali.

Kapag napag-usapan na ang grado, maaari na ring pag-usapan ng pamilya kung paano makakabawi sa susunod na grading period.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.