KILALANIN: Kiddie tattoo artist ng Tarlac

ABS-CBN News

Posted at Sep 23 2018 11:14 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa edad na siyam na taong gulang, isa nang tattoo artist ang batang si Aniel Jay Sese ng Tarlac.

Nagsimula sa simpleng pagdo-drawing ang hilig ni Aniel sa pagta-tattoo. Nakita ito ng kaniyang ama, na isa ring tattoo artist, at magmula noon ay isinasama na niya ang bata kapag sumasali siya sa mga contest.

Hindi nagtagal at natuto na rin si Aniel na mag-tattoo. Sumasali at nanalo rin siya sa mga contest.

Sa kabila nang kaniyang kakaibang hilig, consistent na honor student si Aniel.

Pangarap niya na magkaroon ng sarili niyang shop paglaki niya para matulungan ang kaniyang mga magulang.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.