RECIPE: Beef bulgogi

ABS-CBN News

Posted at Sep 18 2019 11:49 AM

MAYNILA — Patok sa bansang Korea ang beef bulgogi, isang dish na may halong tamis-asim na lasa. 

Maaaring gawin ang putaheng ito sa iyong kusina. 

Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" noong Martes ang guest kusinera na si Gloria You para ibahagi kung paano magluto ng beef bulgogi. 

Narito ang mga sangkap: 
• Karneng baka (sirloin, sukiyaki cut)
• Toyo
• Asukal
• Corn syrup
• Dahon ng sibuyas
• Bawang
• Linga
• Sesame oil
• Cooking wine (optional)
• Pineapple juice
• Paminta
• Mantika

Para sa garnish 
• Kabute
• Dahon ng sibuyas
• Tinalupang bawang

Paraan ng pagluluto: 

Hugasan ang karne ng baka at ilagay sa freezer nang 1 oras. 

Makalipas ang isang oras, hiwain nang maninipis ang karne. 

Paghaluin ang iba pang mga sangkap, maliban sa mantika, at ibuhos sa karne ng baka.

Haluing mabuti at hayaang maluto sa loob ng 30 minuto.

Magpahid ng kaunting mantika sa isang kawali at ilagay ang tinimplahang baka. 

Haluin ito ng 8-10 minuto hanggang sa maluto ang karne ng baka.

Ilagay ang garnish. 

Maaari nang ihanda ang beef bulgogi. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.