Libreng aklat: Balarila ng Wikang Pambansa maaari nang ma-download

ABS-CBN News

Posted at Sep 17 2019 04:04 PM | Updated as of Sep 17 2019 04:20 PM

MANILA - Nalilito ka ba sa kahulugan o etimolohiya ng ilang salita? Ngayon libre mo nang mapag-aaralan ang wikang Filipino. 

Abot-kaya nang makakakuha ng kopya ng Balarila ng Wikang Pambansa sa libreng download ng PDF file nito, ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino sa kanilang Facebook page.

Si Lope K. Santos ang nagsulat ng Balarila ng Wikang Pambasa at inilathala ito ng Surian ng Wikang Pambansa noong 1939. 

Nahahati ang libro sa apat na parte: kagaya ng palatiktikan, palabigkasan, palaugnayan at palasurian. 

Makikita sa balarila ang ilang kaalaman, gaya ng tamang pantukoy sa mga hayop, depende sa kasarian. Maaari mo rin malaman ang pagkakaiba ng mga unlapi na Mang, Man, o Mam, at marami pang iba. 

Narito ang link para ma-download ang "Balarila ng Wikang Pambansa." 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.