Isa sa madalas na pantawid-gutom kapag malayo pa ang suweldo ay ang mga de-latang pagkain, tulad ng mackerel.
Para mas mabigyang-buhay ang de-latang mackerel, maaari mo itong gamitin bilang sangkap sa sinigang.
Bumisita sa “Umagang Kay Ganda” nitong Martes ang guest kusinero na si Bonits Pamintuan para ibahagi kung paano magluto ng sinigang na mackerel.
Ihanda lamang ang mga sumusunod na sangkap:
• 1 lata ng mackerel
• Bawang
• Sibuyas
• Luya
• Kamatis
• Labanos
• Kangkong
• Sampalok
• Patis
• Siling pansigang
• Tubig
Paraan ng pagluluto:
Igisa ang bawang, sibuyas, kamatis at luya.
Ilagay ang tubig.
Isunod ang mackerel at pakuluan.
Ilagay ang katas ng sampalok at muling pakuluan.
Ilagay ang labanos.
Isunod ang kangkong.
Timplahan ng patis.
Maaari nang ihain ang sinigang na mackerel.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, Umagang Kay Ganda, recipe, healthy recipes, affordable meals, inflation, Bonits Pamintuan, sinigang, fish meal, fish dish, mackerel