Matapos ang reign sa Miss World PH, Katarina Rodriguez plano nang magbalik-showbiz

ABS-CBN News

Posted at Sep 09 2019 07:38 PM

MAYNILA -- Sa nalalpit na pagtatapos ng kanyang reign bilang Miss World Philippines, looking forward ngayon sa kanyang bagong goals si Katarina Rodriguez.
 
Kuwento ng beauty queen, nakalinya na ang kanyang mga proyektong gagawin, kabilang na ang isang teleserye.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Katarina (@katarinarodri) on

"I'm going to be part of a teleserye, I cannot say it muna which channel yet, but it's a really big project. It's something I couldn't say no to," sabi i Katarina sa naging panayam sa naganap na LeGarde Health and Wellness Expo.

Aniya, looking forward na rin siya sa nalalapit na Miss World Philippines coronation night.

"I think I'm the only queen actually excited to pass my crown down, like sobrang excited ako dahil marami akong projects lined up after passing down the crown. So I'm waiting lang to pass it forward and moved on to the next thing," aniya.

Watch more in iWant or TFC.tv

Kasabay naman ng paghahanda sa bagong proyekto, hinahasa na ni Katarina ang kanyang pagsasalita ng Tagalog.

"So I study the script, I study how to deliver it, actually madali na ako mag-Tagalog kung may script," aniya.

Sa nalalapit naman na pagtatapos ng kanyang reign, nagbigay payo si Katarina sa susunod na Miss World Philippines

"Good luck and this is going to be the biggest event of your life. Prepare properly because you’re going to prepare the entire Philippines and have fun," pahayag pa niya.

Sa darating na Setyembre 15 nakatakdang isalin ni Katarina ang titulo sa bagong Miss World Philippines na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.