Bantay Bata 163, inilunsad ang bagong theme song

ABS-CBN News

Posted at Sep 08 2019 02:26 PM | Updated as of Sep 09 2019 06:53 AM

MANILA -- Sa unang pagkakataon, ipinarinig sa "ASAP Natin 'To" nitong Linggo ang bagong awitin ng Bantay Bata 163 na "Bawat Isa ay Bata" na binigyang buhay ng TNT Boys na sina Keifer Sanchez, Mackie Empuerto at Francis Concepcion.

Ang "Bawat Isa ay Bata" ay isang paalala na kailanman ay hindi mawawala ang pagiging bata sa ating mga puso.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ang "Bawat Isa ay Bata" ay sinulat ni Mark Raywin Tome, habang ang musika ay nilikna nina Lloyd Oliver Corpuz at Jungee Marcelo.

Tulong-tulong naman na binuo ang music video nina Kay Marie Batac (producer), Jordan Constantino (Creative Account Manager), Robert Labayen (Creative Communication Management Division), Paolo Ramos at Lorenz Roi Morales (director), Joseph Emmanuel Bernarte at Maria Concepcion Ignacio-Salire (editing team) at Joseph Linga, Alfie Landayan, Anna Meryl Pacis (motion graphics team).

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.