Nude photos agad? Ilang senyales na scammer ang karelasyon online

ABS-CBN News

Posted at Aug 29 2019 02:25 PM | Updated as of Aug 29 2019 10:55 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Naglipana ngayon ang mga balita ukol sa online scams na kadalasa'y nag-uugat sa pakikipagrelasyon online. 

Ano-ano nga ba ang mga senyales na maaaring scammer ang iyong karelasyon na nakilala sa internet?

Ibinahagi ng psychiatrist na si Randy Dellosa sa "Sakto" nitong Huwebes ang ilang umano'y red flags.

Una na dito ang paghingi ng pera o pangungutang. 

Senyales din ang agad na paghingi ng nude photos. 

Ayon kay Dellosa, hindi dapat basta-basta naniniwala sa mga nakakausap online.

"Kahit nag-e-exchange sila you don't really know kung totoong picture niya 'yung binibigay... Always be careful," ani Dellosa. 

Itinuturing ding red flag aniya ang pagtanggi ng online date na makipag-usap sa video call o sa phone. 

"Mas madali kasi [for them] na makipag-usap sa type lang," ani Dellosa. 

Kaakibat nito, nanawagan si Dellosa sa mga sasabak sa online dating apps na mag-ingat. 

Aniya, hindi basta-basta dapat magtitiwala sa mga ito. 

"Be wary or cautious. Kasi you don't know the person eh, at baka i-misrepresent niya, i-deceive tayo so be distrustful," babala ni Dellosa. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.