Snake massage, patok sa Aklan

Cherry Palma, ABS-CBN News

Posted at Aug 27 2019 11:31 AM | Updated as of Aug 27 2019 06:47 PM

Tiyak na makakaramdam ng adrenaline rush ang mga may takot sa ahas dahil ang magmamasahe ay Burmese python na may 13-talampakan ang haba. Cherry Palma, ABS-CBN News

KALIBO, Aklan - Patok ngayon sa mga turista at lokal na bisita ng isang maliit na zoo sa nasabing bayan ang kakaibang exotic massage.

Sa halagang P100, tatlong Burmese pythons ang gagapang sa katawan ng customer para magmasahe.

Pinapahiga sa kawayan ang mga kliyente at dahan dahan na ipinapatong ang nasa 13-talampakang haba na Burmese python na may bigat na 50 kilo.

Tiniyak naman ng isa sa may-ari ng maliit na zoo na si Edmund Tabon na busog ang mga python at malinis bago simulan ang masahe.

Ang pythons ay mga non-venomous na ahas, ayon kay Tabon.

Hindi man napatunayang may therapeutic at healing benefits ang snake massage, para sa ilang customers nito, worth it pa rin itong karanasan.

Bukod sa Pilipinas, mae-experience ang snake massage sa mga bansang Israel, Russia, Thailand, Indonesia at Brazil at patuloy na dinadagsa ng mga gustong ma-overcome ang takot sa mga ahas at sa mga gustong maranasan ang exotic massage.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.