RECIPE: Beef Curry

ABS-CBN News

Posted at Aug 22 2019 11:38 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Laganap sa bansang India ang putaheng beef curry, isang dish na tadtad ng spices, at kadalasa'y maanghang. 

Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" nitong Huwebes and guest kusinera na si Mynex Casin para ibahagi kung paano magluto ng beef curry. 

Narito ang mga sangkap:
• Karneng baka 
• Carrots
• Patatas
• Red bell pepper
• Bawang
• Sibuyas
• Curry spice
• Gatas
• Yogurt (optional)
• Paminta
• Asin
• Mantika
• 1 tasa tubig

Paraan ng pagluluto:

Sa isang kawali, igisa ang bawang, sibuyas at baka. 

Lutuin hanggang mag-light brown ang kulay nito.

Ilagay ang curry spice at tubig. Pakuluan sa loob ng 10 hanggang 15 minuto o hanggang lumambot ang baka.

Sunod na ilagay ang patatas, carrots, red bell pepper, gatas at yogurt. 

Haluin at hayaang kumulo ng 3 hanggang 5 minuto o hanggang sa lumambot ang mga gulay. 

Timplahan gamit ang asin at paminta.

Maaari nang ihain ang beef curry.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.