Catriona, ipinaliwanag ang ‘feeling really low’ moment sa social media

Kiko Escuadro, ABS-CBN News

Posted at Aug 21 2019 03:59 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Catriona Gray (@catriona_gray) on

MANILA – Marami ang nag-alala noong nakaraang buwan nang mag-post si Catriona Gray tungkol sa kanyang down moments bilang Miss Universe.

Pero giit ng beauty queen, mas masaya at okay na raw siya ngayon sa kanyang muling pagbisita sa Pilipinas. 

“This is not the first time it happened to me. Every single person in this room, I think, has good days and bad days,” kuwento ni Catriona sa “Fresh and Radical” book launch ng Frontrow.

“And it’s completely normal to not be okay sometimes,” dagdag niya.

Ayon pa sa beauty queen, gusto lang niya na iparating sa iba na kahit gaya niya na isang Miss Universe ay dumaraan din sa low moment sa buhay.

“I wanted to be empowering, [for people] to be like, ‘Catriona seems to have a perfect life, but she’s also human, just like me. She also feels down, just like me,’” aniya.

“That’s why I posted. I wasn’t doing it the attention-seeking way, but that is the name of authenticity. [People might say] ‘Oh my gosh, why you’re bringing issues to social media?’ [And I say] ‘Do you want me to be a real person, or just your idea of what’s real?’”

Watch more in iWant or TFC.tv

At nang tatanungin naman kung kamusta na siya ngayon, tugon ni Catriona: “I’m great! I’m always great naman eh. We dust ourselves off, get up and get going.”

Sa ngayon, balik New York na si Catriona at inaasahan ang pagbabalik-Pilipinas sa darating na Nobyembre para sa isang endorsement.