TINGNAN: Bagong bahay ni Wacky Kiray

ABS-CBN News

Posted at Aug 20 2019 11:34 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nagbunga na ang paghihirap ni Wacky Kiray para matupad ang kanyang pangarap na magkaroon ng sariling bahay.

Sa "Magandang Buhay" nitong Martes, binisita ng mga host na sina Jolina Magdangal, Melai Cantiveros, at Karla Estrada ang apat na palapag na bahay ni Wacky sa Quezon City.

Ayon kay Wacky, walong buwan ang kinailangan para sa pagsasaayos o renovation ng kanyang bahay.

Sa unang palapag, makikita ang pantry at kuwarto para sa paboritong pamangkin ni Wacky.

Nasa pangalawang palapag naman ang kusina ng komedyante.

Sa ikatlong palapag, matatagpuan naman ang kwarto ni Wacky.

"Nung nagda-drive ako palipat dito bigla akong napaiyak. Sabi ko, sobrang mahal na mahal pala ako ni God. Hindi ako pinabayaan. Sabi ko, sobrang blessed ko," aniya.
 
Maliban sa bagong bahay sa Quezon City, ibinahagi rin ni Wacky na nabilhan na niya ng sariling bahay at lupa ang kanyang mga magulang sa Las Piñas.

Si Wacky ang nagwagi sa talent competition sa ABS-CBN na "I Can Do That" noong 2017.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.