Korina Sanchez, ibinahagi ang bagong hamon sa pagiging nanay

ABS-CBN News

Posted at Aug 19 2019 03:45 PM | Updated as of Aug 19 2019 04:04 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Proud na ibinahagi ni Korina Sanchez-Roxas ang latest development sa kanyang kambal na sina Pepe at Pilar na anim na buwan ngayon.

Kuwento ni Korina, bagong challenge sa kanya ngayon ang pag-explore ng mga pagkain para sa kanyang mga anak.

"Si Pepe, masiba, champion eater. Si Pilar, parang ako noong maliit, problematic [sa pagkain]," kuwento ni Korina.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Korina Sanchez-Roxas (@korina) on

Ayon pa kay Korina, hindi niya namamalayan na anim na buwan na ngayon ang kanyang kambal.

"How time flies. Mabilis lang 'yan. Kaya ako, I really have to live to be 120-years-old para maabutan ko lahat 'yan," sabi pa niya.

At sa anim na buwan na pagiging ina, aminado si Korina na malaki ang nagbago sa buhay nila ng mister na si Mar Roxas simula ng dumating sina Pepe at Pilar sa kanilang buhay.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Korina Sanchez-Roxas (@korina) on

"It's quite different. Both Mar and I are really not just animal lovers but children lovers and bucket list 'yan e. I think it's never too late. I was very late in loving animals, so it's not too late to be a parent at this age. So its wonderful," aniya.

"Kasi marami kana natutunan, medyo praning ka na rin, pero okay lang 'yun. Because it's the right time to really concentrate on our health because you want to live long so everything happens on a purpose at the right time."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.