Davao beauty nanguna sa mga nanalo sa Mutya Pilipinas 2019

ABS-CBN News

Posted at Aug 19 2019 08:43 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Pinangunahan ng Davaoeña na si Klyza Castro ang mga nagwagi sa Mutya Pilipinas 2019.

Inuwi ni Castro ang titulong Mutya Pilipinas 2019 Asia Pacific International sa coronation night ng pageant noong Linggo sa Mall of Asia Arena, Pasay.

"I am very overwhelmed... I didn't expect to win so I'm very thankful to all," ani Castro.

Sumentro sa gender equality ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian ang tanong kay Castro sa question and answer portion.

"I am proud to say that us women and this generation have transcended these stereotypes and are now leading a revolution for our country for a new age of women who are leaders and women who are strong and empowered," ani Castro.

Itinanghal namang Mutya Pilipinas 2019 World Top Model Philippines si April Short ng Zamboanga City.

Wagi naman bilang Mutya Pilipinas 2019 Tourism International ang half-Pinay na si Tyra Goldman habang Mutya Pilipinas 2019 Miss Overseas Communities si Louise Janica Arroyo An ng California.

Hinirang na first runner-up si Cyrille Payumo ng Pampanga at second runner-up si Maxinne Rangel ng Batangas. -- Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.