SILIPIN: Anime-themed cafe sa San Fernando, Pampanga

ABS-CBN News

Posted at Aug 15 2018 04:01 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Tiyak na magagalak ang mga tagahanga ng anime sa isang cafe sa San Fernando, Pampanga dahil hango ang disenyo ng establisimyento sa naturang istilo ng Japanese animation.

Makikita sa mga pader ng Café Expo ang ilang kilalang karakter mula sa mga anime gaya ng "Naruto," "One Piece," "Dragon Ball," "Death Note," at "Pokemon." 

Kabilang sa mga inumin at pagkaing inaalok sa Café Expo ay mga frappe, iced drink, hot drink, nachos, waffles, at doughnuts.

Ilan naman sa mga maaaring libangan ng mga kostumer ay ang paglalaro ng board games at panonood ng mga anime movie.

Puwede ring makihalubilo ang mga kostumer sa mga empleyado ng cafe na nakabihis pang-anime.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.