'Pantawid ng Pag-ibig': Servants of Charity sa QC binigyan ng tulong

ABS-CBN News

Posted at Aug 10 2020 09:35 PM | Updated as of Aug 10 2020 11:09 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Dahil sa pandemya, maging mga charity institution ay nababahala kung paano itutuloy ang suporta sa kinakanlong nilang mga nangangailangan.

Kagaya ng isang institusyon sa Quezon City na umaalalay sa mga batang may special needs.

KUWENTO NI TATAY BERNARDO

Lima sa anim na anak ni Bernardo Pamintuan ay may special needs. 
    
Mag-isa niyang tinataguyod ang mga ito matapos mamatay ang kanyang misis dahil sa breast cancer 5 taon na ang nakararaan.

Dating machine operator sa isang pabrika si Pamintuan. Pero natigil ang trabaho mula nang ipatupad ang community quarantine.

"Dahil nga sabi rin ng gobyerno bawal na nga pumasok yung mga senior, kaya ngayon, ayan, naghahala-halaman na lang ako," ani Pamintuan.

Katuwang niya sa pag-aalaga ang bunsong anak at ang "Servants of Charity," isang international religious congregation na 31 taon na sa Pilipinas. 

Sila ang namamahala sa Guanella Center Inc. na nangangalaga sa ilang special children sa Quezon City. 

Nakatira sina Pamintuan sa isang compound na pinangangalagaan ng Guanella Center, kasama ang iba pang mga pamilya na may mga anak na may special needs.

"Yung isang anak ko, sponsored ng Servants... Ang problema ngayon, yun ngang sa eskuwela ngayon electronic na ang gagamitin, hindi na pwedeng face to face, namomroblema kami sa internet... Kung di namin ipagpapatuloy ang pag-aaral mawawala ang sponsorship nya," ani Pamintuan. 

Malaking hamon din ngayon sa Servants of Charity ang pagbibigay suporta sa mga pamilyang kinakanlong nito dahil sa pandemya. 
 
"The contribution helps we have been receiving have stopped, and even the staff we could not receive them due to the pandemic," ani Fr. Rajesh Zavier, father superior ng Servants of Charity. 

Kamakailan ay nagdala ang "Pantawid ng Pag-ibig" ng pagkain sa mga pamilyang inaalagaan ng Servants of Charity.

Tinugunan rin ng Lingkod Kapamilya ang kanilang pangangailangan sa supply ng gamot para sa mga bata.

"We feel really thankful for the help of ABS-CBN to our community and Guanella center because in the time of pandemic health is an essential thing," ani Zavier.

Nais namang pasalamatan ng ABS-CBN ang mga sumusunod na supply sponsor na lumahok sa Pantawid ng Pag-ibig campaign:

  • Century Pacific Food, Inc.
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group, Inc
  • McDonald’s
  • Safeguard
  • Quick Chow Noodles
  • Great Taste 3 in 1
  • Sunsilk Shampoo
  • Mega Sardines
  • Generika Drugstore
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Hana Shampoo
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • CDO Foodsphere
  • IPI
  • Lucky Me

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:

  • Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
  • Intermed Marketing Phils, Inc
  • Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
  • Pampanga's Best
  • RFM Fiesta Pasta
  • Wilcon Depot
  • Aboitiz Group
  • Benby Enterprises Inc.
  • Bistro Group
  • Champion Detergent Bars
  • Coca-Cola
  • Green Cross
  • Greenwich Binondo Branch
  • Hanabishi
  • Jollibee Binondo Branch
  • Chowking Binondo Branch
  • Kenny Rogers Roasters
  • Lemon Square
  • Master Sardines
  • Nature’s Spring
  • NutriAsia
  • Philippine Egg Board Association
  • Poten-Cee
  • Silka Soap
  • Starbucks Philippines
  • Sun Life Foundation
  • Tolak Angin
  • Century Pacific Foundation
  • JP Morgan
  • Suy Sing Commercial Corporation
  • Ajinomoto
  • Beautederm Corporation
  • Cebuana Lhuillier Foundation Inc
  • Deli Mondo Food Specialties Inc
  • JAKA Group
  • GCash
  • Lazada
  • P&A Grant Thornton Foundation Inc
  • PICPA Metro Manila
  • Rotary Club of Makati
  • SC Johnson
  • SEAOIL
  • TIM IT Company

Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.

Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

—Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.