Miss Philippines Earth 2019 Janella Tee, ipinakita ang kanyang 'Pasig River walk'

ABS-CBN News

Posted at Aug 05 2019 12:12 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

 
MANILA -- Game na sumabak sa isang hamon ang mga nanalong beauty queen sa katatapos lang na Miss Philippines Earth 2019.

Nitong Lunes, sumabak sa "No Reaction" challenge ng "Umagang Kay Ganda" sina Miss Philippines Eco-Tourism Karen Nicole Piccio, Miss Philippines Fire Alexandra Marie Dayrit, Miss Philippines Water Chelsea Lovely Fernandez, Miss Philippines Air Ana Monica Tan, at Miss Earth Philippines 2019 Janelle Lazo Tee.
 
Sa hamon, kailangan na walang makitang reaksiyon sa mga mukha ng beauty queen habang tiniktiman ang mga pagkaing inihanda sa kanila tulad ng kalamansi, sampalok, kiamoy at suka.

Samantala, ibinahagi naman ni Janelle na naghahanda na siya sa kanyang laban sa Miss Earth 2019 na gagawin sa Bicol sa Oktubre.

"Excited na po ako. Lahat po ng aspeto ay pinaghahandaan ko, physical, mental, emotional even spiritual. Kasi ang kalaban mo rito palagi ay sarili mo eh. So you really have to be at your best self sa lahat ng aspects," ani Janella na game rin na ipinakita ang kanyang "Pasig River walk."