RECIPE: Creamy Pork Pastel ni Niña Corpuz

ABS-CBN News

Posted at Aug 04 2018 03:58 PM

Agosto pa lang pero unti-unti nang nararamdaman ng karamihan ang Christmas spirit. 

Kaya mainam nang magsimulang mag-ipon ng mga recipe na ihahanda sa Noche Buena, tulad na lang ng creamy pork pastel ng DZMM host na si Niña Corpuz. 

Ayon sa "Good Vibes" host, kung walang pork ay maaari ring gumamit ng manok para sa recipe na ito. 

Ihanda lamang ang sumusunod na sangkap: 

• 3 kutsarang mantika
• 3 kutsarang sibuyas (tinadtad)
• 3 kutsarang bawang (tinadtad) 
• Kalahating kilo ng pork tenderloin tips
• 1 medium patatas
• 1 medium carrots
• 1 bell pepper
• 1 latang Vienna sausage
• 1/2 tasang mushroom (sliced)
• 1 tasa ng tubig
• 1 latang evaporated milk
• 1 1/2 kutsaritang asin 
• 1/2 kutsaritang paminta
• 1/2 tasa ng tubig (para sa harina) 
• 1 kutsarang harina
• 1/2 tasang green peas
• Soup stock

Paraan ng pagluluto:
 
Sa mainit na mantika, igisa ang sibuyas, bawang, at pork tips. 
Ihalo ang carrots at patatas.
 
Kapag medyo luto na ang carrots at patatas, ihalo ang mushrooms at Vienna sausage.

Ihalo ang evaporated milk, soup stock at timplahan ng asin at paminta

Pakuluin nang 10 minuto. 

Ihalo ang bell pepper at pakuluin muli nang limang minuto

Lagyan ng green peas. 

Sa isang mangkok, tunawin ang harina sa tubig at ihalo sa niluluto hanggang sa lumapot ito. 

Maaari nang ihain ang creamy pork pastel.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.