TIPS: Paano magtakda ng goals para sa sarili?

ABS-CBN News

Posted at Jul 20 2019 06:33 PM

Hangad mo bang matupad ang iyong goals sa buhay?

Nagbahagi ng tips ang motivational speaker na si Lloyd Luna sa "Sakto" ng DZMM para mapadali ang pagtupad ng mga nito.

Ayon kay Luna, dapat tiyak o gawing "specific" ng isang tao ang kaniyang pangunahing goal bago pa simulan ang iba pang gusto sa buhay.

Paliwanag ni Luna, mahalaga ito para mapanatiling "realistic" ang gustong mangyari.

"Ang sinasabi ko sa mga tao huwag masyado dapat marami ang gusto (kasi) mas wala kayong nakukuha," ani Luna.

Kung maaari aniya ay magsimula sa mga maliliit na goals para sa sarili.

Dapat din aniyang "measurable" o nasusukat ang pag-usad ng pinapangarap.

"Piece by piece mo i-build. One goal leads to another. Stepping stones... It leads to progress," ani Luna.

Ayon pa kay Luna, hindi matutupad ang goals ng isang tao kapag hindi tiyak ang kaniyang mga prayoridad.

Importante rin aniyang kampante ang loob ng isang tao para makamit niya ang kaniyang mga goal sa buhay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.