PANOORIN: Ganda at lasa ng Pilipinas, tampok sa Lakbay Museo

Mario Dumaual, ABS-CBN News

Posted at Jul 15 2019 10:17 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Manghang-mangha sina Charo Santos at mga bisita sa Lakbay Museo sa Mall of Asia sa Pasay na bukas na ngayong weekend. 

Tampok sa interactive expo ang lahat ng maganda at masarap sa Pilipinas.

Bilang bagong partner, nag-donate din ang Lakbay Museo sa ABS-CBN Foundation para makatulong sa iba't ibang sektor.

Kabalikat ng Lakbay Museo ang mga persons with disability, out-of-school youth, at senior citizens.

Kabilang sa mga patok na atraksyon ang Batanes, ang pista ng Lukban, Magellan's Cross sa Cebu, ang loob ng Mayon Volcano na maraming sili, at ang halina ng Mindanao.

Highlight ang samu't saring pagkaing Pinoy na nag-aantay na lang ng world record recognition bilang number one sa kategoryang “most number of food collection in one place.”
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.