Bulaklak, dahon ng santan, pangontra sa ilang sakit: herbalist

ABS-CBN News

Posted at Jul 07 2019 03:04 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Patok sa mga bata noon ang pagsipsip sa manamis-namis na nectar ng namumulaklak na halamang santan.

Bukod sa pagiging palamuti, mayroon ding mabuting dulot sa kalusugan ang mga bulaklak at dahon ng santan, ayon sa isang herbalist o eksperto sa mga halamang gamot.

"For common people, very important 'yong mga regular plants na ganyan, santan, na malaman nilang may medicinal benefits kasi ang mahal kaya ng mga gamot ngayon," anang herbalist na si Pestano.

"Pero we have to be taught kung paano talaga gagamitin," dagdag ni Pestano.

Ang bulaklak ng santan ay may antioxidant properties, base sa pag-aaral.

Nagtataglay ang bulaklak ng flavonoid na mainam kontra sakit sa puso, hika at stroke.

Ang tsaa naman daw mula sa pinakuluang santan ay makatutulong sa mga taong may hypertension at hindi regular ang pagreregla.

May anti-inflammatory at antihistamine properties umano ang dahon ng santan. Nakabubuti raw ang pag-inom ng pinakuluang dahon kontra ulcer at mga problema sa pagdumi.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.