PANOORIN: Mga kinoronahang 'Binibini' rumampa sa 'ASAP'

ABS-CBN News

Posted at Jun 16 2019 02:52 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Bumisita sa "ASAP Natin 'To" ngayong Linggo ang mga nagkamit ng iba't ibang korona sa nakaraang Binibining Pilipinas.

Kabilang sa mga rumampa sa entablado ng "ASAP" sina Binibining Pilipinas 1st Runner-up Maria Andrea Abesamis, Binibining Pilipinas Globe 2019 Leren Mae Bautista, Binibining Pilipinas Intercontinental 2019 Emma Mary Tiglao, Binibining Grand International 2019 Samantha Lo, Binibining Pilipinas Supranational 2019 Resham Saeed at Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados.

Sabay sa pagrampa ng mga "Binibini" ang pagkanta nina Kritiko, Yeng Constantino, at Janine Berdin ng awiting "Raise Your Flag."

Liban sa pag-guest sina Binibing Pilipinas 2nd Runner-up Samantha Bernardo at Binibing Pilipinas International 2019 Bea Patricia Magtanong.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.