Gazini Ganados ng Cebu, nanguna sa mga nagwagi sa 'Binibini 2019'

ABS-CBN News

Posted at Jun 10 2019 08:16 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nagningning si Gazini Ganados ng Talisay, Cebu nang koronahang 2019 Miss Universe Philippines sa Binibining Pilipinas coronation night na idinaos noong Linggo.

Si Ganados ang susunod na yapak ni Catriona Gray, na nag-uwi ng titulong Miss Universe noong nakaraang taon.

Si Ganados din ang nag-uwi ng mga special award na Binibining Photogenic at Binibining Best in Long Gown.

Sa question and answer portion, tinanong si Ganados kung paano niya mapaparami ang mga babae sa workplace o mga lugar ng trabaho.

"If I win the crown tonight, what I will do is to promote my advocacy. My advocacy is for women to fight for our rights and for the elderly care. And for us to be able to know that someone is loving us and someone is pushing us to whatever ambitions that we have," sagot ni Ganados.

"We will be able to rise from our decisions, to whatever dreams that we have, goals that we have and we will achieve it because of those values, those wisdoms that they gave us. Thank you," dagdag niya.

Ayon kay Ganados, may payo agad sa kaniya ang sinundan na si Gray.

"She just encouraged me that this will be the start, this will be a new beginning. I appreciate it," ani Ganados.

Bukod kay Ganados, wagi rin sa pageant sina Leren Mae Bautista (Binibining Pilipinas Globe), Emma Mary Tiglao (Binibining Pilipinas Intercontinental), Samantha Lo (Binibining Pilipinas Grand International), Resham Rameriz Saeed (Binibining Pilipinas Supranational) at Bea Patricia Magtanong (Binibining Pilipinas International).--May ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.