ALAMIN: Mga karaniwang kanser ng kalalakihan

ABS-CBN News

Posted at Jun 08 2017 04:49 AM | Updated as of Jun 08 2017 03:38 PM

MANILA - Isa ang kanser sa baga o lung cancer sa mga pinakakaraniwang kanser na nararanasan ng mga lalaki.

Ayon kay Dr. Mon Severino, ang paninigarilyo ang pangunahing nagiging sanhi ng lung cancer.

Bukod sa lung cancer, maari ring maging sanhi ng kanser sa bibig, sa esophagus, sa lalamuman, sa tiyan, at maging sa kidney, ang paninigarilyo.

Dagdag pa niya, maging ang mga hindi naninigarilyo o mga second-hand smokers, ay maaring maapektuhan nito.

Isa rin ang testicular cancer sa mga kanser ng mga lalaki. Ayon kay Severino, mahalagang magpatingin sa doktor kung nakakaramdam ng pananakit sa testicles, o kung hindi pantay ang laki nito.

"Pag malaki, o hindi pantay. Let's say 'yung isa size ng (itlog ng) pugo, 'yung isa size ng itlog ng manok," aniya.

Payo ni Severino, mahalagang tumigil sa paninigarilyo at magkaroon ng healthy lifestyle para makaiwas sa kanser.

"Karamihan ng mga cancer sa adults, lifestyle related. Remove the smoking, alcohol, pag-inom ng alak. What you eat, if you can eat five servings of vegetables a day. Supplement with vitamins. What you eat is important," ani Severino.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.