Liza Soberano, gumawa ng banana bread gamit ang rice cooker

ABS-CBN News

Posted at Jun 04 2020 01:28 PM

MAYNILA — Nagpakitang gilas sa online cooking show na “Caldero Files” ang aktres na si Liza Soberano.

Nitong Huwebes, ibinahagi ni Liza kung paano gagawin ang kanyang Rice Cooker Banana Bread.

“Marami sa atin ang na-stuck na sa ating mga bahahy. All of the sudden nagkaroon tayo ng free time. Sa nakikita ko online ang daming Filipinos na finally ay nagkaroon ng chance sa pagbi-bake at nami-miss ko na rin mag-bake. Dito sa bahay namin unfortunately walang oven,” ani Liza.

“So today I will be challenging myself by using something other than an oven. Ang gagamitin ko ngayon ay rice cooker,” dagdag ng aktres.

Bago ang lockdown, bida si Liza ng seryeng “Make It With You” kasama si Enrique Gil. Sa serye, ginagampanan ni Liza ang karakter ni Billy, ang tinaguriang “Prinsesa Panaderia ng Nueva Valencia.”

Narito ang “Caldero Files” tampok ni si Liza Soberano:

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.