'Panaad sa Negros': Negrense designers sanib-puwersa sa paggawa ng obrang face masks

ABS-CBN News

Posted at Jun 03 2020 11:32 AM

MAYNILA - Nagkaisa ang mga Negrense designers sa paggawa ng isang video kung saan ibinida nila ang idinesenyong mga face mask na kumuha ng inspirasyon sa pinaggalingang bayan o lungsod. 

Parte ito ng kanilang “Panaad Sa Negros: Face Mask Edition” ngayong kanselado ang Panaad sa Negros Festival dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. Idinaraos ang taunang festival tuwing Abril. 

Sa halip na gumawa ng costume design ng Lin-ay, naging abala sila sa paggawa ng mga disenyo na hango sa mga festival ng pinanggalingan nilang bayan. 

“The purpose of creating this video is simply to promote positivity and good vibes to everyone even if Panaad sa Negros 2020 wasn't able to push through this year," ayon sa designer na si Apol Embang. 

"And the reason also why we created this is to let the government know that these artists exist and we also need help from the government,” dagdag niya. 

Umaasa si Embang at ang iba pang Negrense designers na patuloy silang makakapagbigay ng kasiyahan sa kanilang mga kababayan sa kanilang mga disenyo. 

-- Ulat ni Martian Muyco, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.