KILALANIN: Mga sikat na alagang pusa ni Doris Bigornia

ABS-CBN News

Posted at Jun 01 2020 03:59 PM

MANILA — Ipinakilala sa publiko ng batikang broadcast journalist na si Doris Bigornia ang kanyang mga sikat na pusa na sina Nala at Bella.

Matatandaang sumikat ang mga alagang pusa ni Doris nang mag-away ito habang may panayam si Doris sa programang “SRO” noong Mayo 15.

Ang nakakatuwang eksena na ibinahagi ng anak ni Doris na si Nikki sa social media ay agad na nag-viral at ginawan din ng istorya ng mga sikat na news at entertainment outlets.

Sa programang “Ka PET Lang" ng Online Kapamilya Shows, ipinakilala ni Doris sina Bella at Nala at ang mga kapatid nito na sina Edward at Simba.

“Si Bela is a mixed Persian,” ani Doris. Aniya, binili ito ng kanyang anak na si Nikki para may makasama ang una nilang alagang pusa na si Edward.

“Kasi naisip ko noon lagi akong nasa trabaho at walang kasama si Edward, kaya 'yon naisip kong bilhin si Bella,” kuwento naman ni Nikki.

“Si Nala, siya ay isang Bengal at she was given to me by a very good friend. Two years (na siya sa amin),” dagdag ni Doris.

Binalikan din ni Doris ang nag-viral na tagpo ng kanilang mga alagang pusa sa “SRO.”

“Nag-iinterview kami noon about mall reopening, it was a serious topic then nakita ko nagsha-shapulan na sina Bella at Nala. Hindi ko ma-cut 'yung interview kasi nagsasalita parang I would have found it really rude kung ika-cut ko dahil lang nag-aaway ang mga pusa sa likod ko. Sa akin kaya ako tumitingin sa kaliwa, I was trying to call Nikki because she was in the room. Hindi naman ako puwedeng sumigaw na ‘Nikki, ang mga pusa.’ Kasi nakikita ko naman sila before na naghaharutan. Ang ano ko ay baka tumalon sa harapan ng laptop eh baka mawala ako sa screen. But 'di ko naman sila sinaway. 'Di ko sila pinagalitan after because they were just being cats,” kuwento ni Doris.

Pag-amin ni Doris, iba ang sayang naibibigay ng kanilang mga alagang pusa.

“When you get home from a very stressful day, when I go to the room and they are there, lalo na itong si Bella kapag nakita ko na siya I’ll pick her up and hug her tight parang nakakaalis talaga ng stress,” ani Doris na ibinahagi rin ang kanyang mensahe sa mga alaga.

“Ang mensahe ko sa kanila I hope that they all stay with us forever because they are such cherished part of this family. Sila ang palaging stress-buster ko bukod sa 'SRO' kung saan kasama ko si Alvin Elchico, ito talaga, sila ang stress-busters ko,” ani Doris.

Kilalanin ang mga alaga ni Doris sa video na ito:

[EM

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.